Friday, July 13, 2012

Mal a Aldo


"Mal a Aldo" o sa wikang tagalog ay Mahal na Araw at sa wikang ingles naman ay Holy Week.
Karaniwan na tinatawag sa mga nagpipinetensya sa Pampanga ay "Magdarame at Magsilabat-bat".



Isang Tradisyon ng mga pilipino at lalo na ang mga kapampangan ang Pamamanata, Taon taon ay ginaganap ang Senakulo, at Pamamanata sa Bayan ng Pampanga kung saan isinasariwa at pag-alala sa mga pagsakripisyo ng panginoon hesukristo at ang hirap na nagawa niya para sa atin, at paghingi na rin ng mga tawad na nagawa natin sa buhay, Pasasalamat sa mga biyaya at ibat-ibang pang mga dahilan ng mga namamanta kung bakit nila ito ginagawa


May mga tao din na minsan kahit nagpapanata ay ginagawa pa rin ng sadya ang mga kamalihan nila sa buhay imbes na ituwid ang mga ito, katulad ng isang bagay na sa isang kamalihan na nagagawa pa rin ng mga namamanata na habang ginagawa ang panata nila imbes na tubig ang kanilang inumin para sa mapawi ang pagod, ay alak pa ang iniinom at ang isa pang kamalihan sa mga ibang namamanata, parang ginagawa lang nilang parang kayabangan o kasikatan yung ginagawa nilang pamamanata imbes na gawin ang tawa na ituwid ang mga kamalihan at umingi ng kapatawaran.

2 comments:

Comment here...